Live life. Love life. :)
Nagaayos ako ng pictures ko ngayon. Simula 2007-ish hanggang ngayon. Gusto ko kasi sanang gumawa ng own photo album ko, tapos ako ang magdedesign. :) Ayaw ko kasi na naka-save lang siya sa computer namin. May photo album na ako, pagpapaprint na lang ng pictures. Haha. Pinagiipunan ko pa lang yun hanggang ngayon ee. Ang dami ko kasing pictures. Hahaha.
Naalala ko, nung tumingin ako ng old photo albums namin nung bata pa ako, nakakatuwa kasi bawat pahina ay mga panahon na di mo na maibabalik. Mga panahon na akala mo ay di na maaalala ng memorya mo, pero hindi pala. Nandun pa din pala, kailangan mo lang ng bagay na magpapaalala sa’yo. Kaya naisip ko na mas okay pa din talaga yung photo albums kaysa kapag nakaupload lang sa Facebook o kung saan pang social networking sites. Diba? :)
Naalala ko dati, nung highschool pa ako, iba pa ako magisip at iba pa akong kumilos. Habang nagaayos nga ako ng pictures ko, sabi ko sa sarili ko: “Sobrang iba talaga ako nung mga panahong ito. Paano nga ba ako nagbago?”
Tapos bawat litrato, nakikita ko yung adjustments and facial expression ko. Kung paano ko iproject ang sarili ko sa camera at kung anu-ano pang bagay na kinukuhanan ko ng picture para lang kapag lumaki na ako, maibabalik ko ang sarili ko sa panahong ito kahit ala-ala man lang.
Dati, ang tingin ko sa sarili ko, napakainvincible ko. Invincible. Feeling ko ay napakastrong ko, na walang makakapanakit sa’kin. Kaya yung paraan ng pagsasalita ko, iba din. Alam ko ‘to kasi kapag nababasa ko yung mga lumang blogs ko nung 2008 pa, sobrang iba ang paraan ng pagttype ko at pagpuna ko sa mga bagay sa paligid ko. Aaminin ko, mas dominant sa’kin ang pagiging pessimist ko at mas napapansin ko ang mga negatives sa buhay ko. Medyo aggressive ako dati, hindi ko kayang i-low down ang temper ko; kaya kapag inis ako, inis talaga ako.. kapag galit ako, galit talaga ako. Hahaha. Nakakatawang nakakainis kapag nababasa ko, sa totoo lang. Parang, sarap sampalin ng sarili ko nung 15 years old pa ako. Hahaha.
Madaming dahilan para magbago ang isang tao. Pwede kasing sa bawat ikot ng panahon at taon, nagiiba ang perception mo kasi nagmamature ka na. Mas madami ka nang natututunan at mas madami ka nang napagdadaanan. Kaya mas maganda talaga na sa bawat pinagdadaanan mo, alalahanin mo kung anong lesson ang gusto nitong ituro sa’yo. Huwag kang palaging “go with the flow” lang. Minsan okay yun, minsan hindi. :) Ika nga, everything happens for a reason. Yung reason, alamin mo.. wag mong palampasin.
Mas maganda kasi na nakikilala mo ng malalim ang sarili mo sa bawat pinagdadaanan mo.
Hindi ako ganito ka-soft dati. Hindi ako sensitive. Madali lang sa’kin ang sabihin na wala akong pakielam and I would actually mean it. Tapos, syempre, lahat tayo nasasaktan. Nagbago mostly sa’kin sa mga panahong sobrang nasaktan ako. Akala ko kasi, kilala ko na nun ang sarili ko pero hindi pa pala. Akala ko, alam ko na lahat pero hindi pa pala.
Nagddiary ako, db? Kaya advatange sa’kin, nakkeep track ko ang pinagdaanan ko at yung pakiramdam ko ay itinuro sa’kin ng moment na yun. Minsan, tandang-tanda ko. Minsan, nakakalimot din kaya ayun - pinagdadaanan ko ulit for another time. (Yung feeling na napagdaanan mo na dati, pinagdadaanan mo na naman. Nu baa. Di ba? Yun ang ibig kong sabihin). Hahaha.
- - - - - - -
Madaming pwedeng mangyari sa bawat araw. Matuto ka. Maging matatag ka. Kung kinakailangan mong baguhin ang sarili mo para maging better ka, sige lang.
Alamin mo ang tama sa mali. Wag na wag mong iju-justify ang mali para lang ipilit sa sarili mo na yun ang tama kasi yun ang gusto mo. Piliin mo ang taong sasamahan at kakaibiganin mo; kasi hindi lang pamilya mo ang makakaimpluwensya sa’yo. Magtiwala ka, maiimpluwensyahan ka ng mga masasama niyan kapag mahina ka sa temptasyon. Uulitin ko: alamin mo ang tama sa mali at huwag mong iju-justify ang mali.
Wag laging puso ang gamitin, alalahanin mo na may utak ka din. Ibalanse mo ang sinasabi ng utak mo at ng puso mo.
In-love ka? Go lang. Magmahal ka lang ng totoo, hindi ikaw ang matatalo kung masaktan ka. Maging totoo ka sa nararamdaman mo. Huwag kang mandamay at manakit ng iba kung nalilito ka kung ano ba ang dapat mong gawin at dapat mong maramdaman.
Kung hindi ka pa handang mag-take ng another step forward, steady ka lang. Huwag kang magmadali, kaibigan. :) Okay na yung sa bawat hakbang ay sure ka, kaysa sa hindi - baka pagsisihan mo pa at baka masaktan ka lang ulit o makasakit ka ng iba.
Okay lang magkamali. Okay lang masaktan. Okay lang umiyak. Okay lang na matakot at kung anu-ano pa. Hayaan mong maramdaman ang dapat mong maramdaman, kasi hindi maganda na ipipilit mo na masaya ka pero hindi naman. Huwag mong lolokohin ang sarili mo. Kasi lahat ng yan, may purpose. Okay lang madapa, pero please lang, bumangon ka.. at sa pagbangon mo, dapat mas maging matatag ka na. :)
Mag-dwell ka sa positive side. Ito yung narealize ko lately. Yung kahit parang nasa bad side of life ka, isipin mo pa din yung magandang nadudulot nun sa’yo o sa ibang tao man lang.. para hindi mo na masyadong mai-down ang self mo. :) Mahirap, pero worth it. Magiiba ang araw mo kapag nakita mo ang good side ng bawat bad experiences.
At higit sa lahat, huwag na huwag mong kalimutang tumingin sa taas. Nandiyan lang Siya lagi para gabayan, samahan at mahalin ka. :) Mahal ka ni God. Kaya dapat pray lang din palagi. Yung priority, at hindi last option lang. :) Diba, mas gusto natin ang private message kaysa group message? Ganun din kay God. Okay na okay ang personal prayers para maiopen mo sa kanya ang sinabi at nararamdaman ng puso mo. :)
Weird mang isipin pero lahat ng tao nagbabago. Sana lang yung pinagbago mo ay yung mas pinili at mas gusto mo. Yun bang sa mga susunod pang taon, ang pagbabago mo ay yung mas pipiliin at mas gugustuhin mo pa din.
Kasi kung ako ay tatanungin mo pa din ngayon kung gusto kong ibalik ang dati: hindi. Mas okay sa’kin kung ano ako ngayon, at mas nagiging careful pa ako sa mga magiging actions at decisions ko kasi ayokong gumising sa isang araw at hindi ko na makilala ang sarili ko kapag tumitingin ako sa salamin.